Transparency Seal
DOST 7 is ISO 9001:2008 certified
Sulong Tulong Sa Visayas
DOST 7 Webmail
Official Gazette of the Philippines
PAGASA Weather Update
DOST Nationwide Operational Assessment of Hazards
Link to Philippine Real-Time Environment Data Acquisition and Interpretation for Climate-Related Tragedy Prevention and Mitigation
September 2014
S M T W T F S
31 1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 1 2 3 4
RSS
Home
26 SA BAWAT 100 NA BATANG PINOY, KULANG SA TIMBANG; BILANG NG OVERWEIGHT, DI TUMAAS PDF Print E-mail
Tuesday, 04 May 2010 05:27

Ang mga bata ang karaniwang biktima ng malnutrisyon.

Ang malnutrisyon ay sanhi ng kakulangan, labis o sobra o di-balanseng kaloriya, sustansiya o parehong kaloriya at sustansiya, na dapat meron para magamit ng katawan.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay may dalawang mukha ng malnutrisyon: ang kakulangan sa nutrisyon o malnutrisyon at ang sobra sa nutrisyon o mas kilalang obesity.

 

Kung pagbabasehan ang pinakahuling pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST), ang kalagayang pang-nutrisyon ng mga batang Pilipino na 0-5 taong gulang base sa timbang ay tumaas ng kaunti mula 24.6 porsiyento noong 2005, ito ay naging 26.2 porsiyento nitong 2008.

Tumaas ang porsiyento ng mga batang Pilipino, edad anim hanggang sampung taon na kulang sa timbang mula 22.8 porsiyento noong 2003, ito ay nagging 25.6 porsiyento nitong 2008.

Ang porsiyento ng mga batang 0-5 taong gulang na sobra sa timbang o obese ay nanatili sa 2.0 porsiyento mula 2003 hanggang 2008.

Gayundin, ang porsiyento ng mga batang anim hanggang sampung taong gulang na sobra sa timbang ay nanatiling walang pagbabago sa 1.6 porsiyento mula 2003 hanggang 2008.

Tumaas o bumaba man ang porsiyento ng malnutrisyon sa Pilipinas, ang resulta ng pag-aaral na ito ng FNRI-DOST ay magandang basehan ng ating gobyerno upang makapagplano ng mga programa na tutugon sa kalagayang pang-nutrisyon ng bansa.

Sa kasalukuyan, maraming programa na pang-nutrisyon ang ating pamahalaan, nguni’t kailangan pagtuunan ng pansin ang promosyon ng eksklusibong pagpapasuso sa sanggol mula pagkasilang hanggang anim na buwan at saka ang pagbibigay ng angkop na pagkain o complementary foods habang siya ay pinapasuso pa; ang pag-revitalize ng backyard food production upang madagdagan ang food supply sa tahanan at ang promosyon ng programa ng wellness sa mga paaralan upang tumaas ang physical activities sa eskuwelahan.

Base sa Gabay ng Wastong Nutrisyon para sa Pilipino (NGF) na ginawa ng Technical Working Group sa pamumuno ng FNRI-DOST, tandaan lamang ang ikatlong mensahe nito na upang mapanatili ang tamang paglaki ng bata kailangan ang palagiang pagsubaybay sa kanyang timbang.

Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon, makipag-ugnayan kay Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it o This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it o sa telepono bilang 837-2934/837-3164. Maaari ding bisitahin ang FNRI website: http://www.fnri.dost.gov.ph (FNRI-DOST S & T Media Service: Press Release – MA. IDELIA G. GLORIOSO)

Last Updated on Friday, 29 October 2010 02:47
 
Banner
Banner